Sabado, Hulyo 16, 2016

Ako si John David Morales
Ako'y isang simpleng Kabataan mula sa bansang Pilipnas. Naisipan ko gumawa ng buod sa kadahilanang naisip ko na dito ko lang maipapahayag ng husto ang na isip ko at mga saloobin ko tungkol sa sa pangyayare sa akin bansa sa kasalukuyang panahon.
Dito ko sisimulan ang aking buod, Marahil alam nating lahat na ang basang Pilipinas ay isang mayamang bansa hindi lang sa kultura neto pati na rin sa likas na kayamanan. Mayaman din ang bansang ito sa kasaysayan na puno ng pag hihimagsik at duo mula sa ating mga bayani.
Ngunit ngayo'y tila nawala na ang kislap ng aking lupang sinilangan. Ang mga kabataan ay wala ng pag papahalaga sa kultura ng bansang pinag laban ng aming mga ninuno. lalo na sa panahong ito ito'y di ko maitatangi.Alam nyo ba? Nakakalungkot ding isipin na unti unti na tayong sinasakot ng dayuhang bansang itinuring nating katuwang sa mahabang kasayasayan ang bansang Tsina.
At dito sa panahong kinagisnan ko ay nakakasuklam isipin na ang mga kasing edad ko ay binabaliwala na lang ang pangyayare sa kapaligiran di nila alam na ang lupang kinikimkim ng banyagang bansang Tsina ay isa sa lugar na pinag laban at prinotektahan ng aming mga kalahi.
Ako mismo ang nakaranas ng kanilang pag sasawalang bahala sa ka-dahilanang ako ay isa din sa mga kabataang guamgamit ng makabagong teknolohiya tulad ng "Facebook" at duon ko pinapahayag ang akin sa loobin ukol sa pangyayare at pag babago ng panahon ngunit tila ako'y isang baliw na pinag tatawanan nila. Eto ang pinakamasakit na pangyayare sa aking buhay na ang aking sariling mga kababayan ay sila ding kumukutya sa aking pagiging makabayan o pag mamahal ko sa bayan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento